Hamon Ng Buhay


Noong ako’y bata, bobo’t walang alam;
Buhay ay masalimuot sa tiyan na kumakalam,
Ama’y napariwara, ina ay nagdamdam,
Kaya kinalabasan,pamilyang naparam.

Tatlong magkakapatid, nagkahiwa-hiwalay;
Minsan lang magkita, mga puso’y nalulumbay
Pinilit kumita, sinikap mabuhay,
Tinitiis lupit at hagupit ng buhay.

Ako’y lumaki sa piling ni lolo;
Inang sumasakabilang buhay ang sabi’y ganyan ang buhay ,
Kirot ng damdamin pilit itinatago;
Pamilyang inaasam di man lang nagkatotoo.

Kami’y nakisama sa iba’t-ibang tao;
Ama, inang nawala di ko na tanto,
Dasal ang syang tanging sandigan ko,
Bihirang magkita, sabik na totoo

Di ko na pansin,pagpunit ng dahon
Sa kalendaryo, ito ay naging hamon
Palibhasa ako ay hinog sa panahon,
Ngayon heto ako, nagsisikap umahon.

Sana naibigan tulang nilikha ko;
Ninais ihugis sa inyong mga puso
Anumang pagsubok kaloob sa inyo
Wag na wag po sana kayo ay sumuko.

 

 

Advertisements